Saturday, March 31, 2012

Pagkakataon

Written by: Carlo Itao
Co-Written by: Louvee Lising & Lovely Manayon

Tanang buhay natin hahanapin ang pagkakataon
Ulan man ay hindi maibaon
Ang mga ala-alang nakakatawa noon
Hawak kamay tayo sa lahat ng pagkakataon

Madali lang tumakbo ang oras
Na tayo'y nagkasama at nakaranas
O, mahal kong kaibigan hindi kita malilimutan
Nandito ka sa aking puso magpakailanman

Pero anong nangyari?
Biglang umiba ang ihip ng hangin
Akala ko'y habang buhay ang ating pagkakaibigan
Ngunit ito'y naglaho lamang

Sa pagkakataon na ito
Ako'y magbabago
Para sa iyo kaibigan
At ang sakit malipasan


No comments:

Post a Comment